ako nung sanggol pa lamang |
Sa unang taon ng pagsasama nina Edgar at Aida Averion, umaga ng ika-20 ng Nobyembre,taong 1994, pinagpala sila ng isang munting batang anghel. Ako ang batang ‘yon.
Ang pangalan ko ay Maurice Anne Castillo Averion. Kaunti lamang ang naaalala ko nung bata kaya’t nagtanong ako sa aking mga magulang. Sa nasabing araw na iyon, ipinanganak ako sa San Pablo Doctors Hospital sa tulong ni Dra. Bueser. May timbang ako na 7.2 kg. Higit ko daw kamukha ang aking ama lalo na daw ang aking mga mata at kulay ng balat.
ako at si mama |
ako at si daddy |
Nung sanggol pa lamang ako, tahimik daw ako, di tulad ng ibang bata. Minsan lamang daw ako umiyak at hindi makulit. Hindi daw gaanong nahirapan si mama noon. Nahirapan lang si mama noon dahil sa malakas daw ako sa gatas. At noon din ay nagsimula na akong daw akong mag “thumb sucking”. Marahil yun ang dahilan kung bakit lagi akong tahimik. Lagi ko daw ginagawa iyon. Hindi rin daw ako mahilig sa mga laruan. Hindi ako palahingi ng mga iyon. Kuntento na ako sa karga ng aking ina at ama. Napakabait nilang dalawa. Hindi ni;a ako pinabayaan noon at hanggang ngayon.
si Darwin noong sanggol pa lang |
Pagkalipas ng isang taon at 23 araw mula nang ako ay pinanganak, biniyayaan ang aming pamilya ng isa pang gwapong anghel, si Darwin. Tuwang-tuwa ang aking ina dahil hindi daw ako nagselos sa aking kapatid. Karamihan daw kasi ng mga bata, ‘pag nagkaroon ng kapatid, ay nagagalit dito. Lagi ko pa raw nilalaro ang aking kapatid. Kapag kinakarga ni mama ang aking kapatid, wala lang sa akin iyon. Para daw talaga akong ate kahit na wala pa ko noong isip. At noon ay nakumpleto na ang pamilyang Castillo-Averion.
ako at ang kapatid ko sa isang kasalan |
Lagi daw ako noong nababalis. dahil daw yun sa maraming gustong kumarga sa akin. Kahit ang mga pinsan ko. Lagi daw nila akong nilalaro. Lagi rin kaming nilalaro ng kapatid ko. Kung noong baby pa kami ay magkasundo kami, habang lumalaki ay lagi na kaming nag-aaway. Pero away-bata lang iyon. Nagkakapikunan lang kami. Pero kapag kailangan namin ang isa't-isa, lagi kaming nagdadamayan. Mahal ko yun kahit lagi niya akong inaasar.
recognition nung grade 1 |
class picture ko nung grade 2 |
Sa pagtungtong ko ng tatlong taong gulang, pumasok na ako sa isang nursery school. Ang school na iyon ay tinatawag na “Our Little Friends”. Noon, nagkaroon ako ng mga kaibigan. Nahilig din ako sa mga bubbles. Yun lang ang nakahiiligan kong laruan noon. Natuto ako ng iba’t-ibang bagay tulad ng pagsulat, pagkulay at pagguhit. Masaya ako dun dahil maraming mga events na nagaganap, mga palaro at mga program. Pagdating ko ng Junior Kinder, pumasok naman ako sa Capitol View Christian School o CVCS. Ngunit, dahil sa pagiging strikta ng aking guro, natakot ako. Matinding trauma ang naranasan ko noon. Talagang umyak at sumigaw ako noon para lang tumigil na ako sa pagpasok doon. Dahil sa nakitang takot ng aking mga magulang ko, pinatigil na rin nila ako. Tumigil ako sa pag-aaral ng taong iyon. Sa sumunod na taon, naging senior kinder na ako. Lumipat ako sa St. Threse School. Kahit na ako ay hindi nag-aral ng Junior Kinder, hindi pa rin iyon hadlang sa akin. Nang grumaduate ako ng Kinder, naging Valedictorian pa ako. Proud noon sa akin ang aking mga magulang. Doon na rin ako nag-aral hanggang grade 4. Isang hindi ako malilimutan noon ay ang kauna-unahang Mr. and Ms. St. Therese. Ako ang unang Ms. Photogenic ng eskwelahang iyon at ang kapatid ko naman ang unag nakakamit ng unang titulo ng pagiging Mr. St. Therese. Bawat taong ako’y nag-aral doon ay honor ako, 1st 2nd o 3rd. Ngunit ng pagtungtong ko sa ika-5 baitang ng elementarya, lumipat na ulit ako sa CVCS.
grade 5 class picture |
elementary graduation |
Noong una ay ayaw ko. Pero nang tumagal na, ayos na rin sa akin. Marami akong naging bagong kaibigan. Nung nagkwento ako na dun din ako pumadok nung Junior Kinder at ako yung batang laging naiyak sa klase ay naalala nila ako. Naging kaklase ko pala sila. Marahil ay hindi ko sila napapansin dahil lagi akong naiyak noon. Hindi naging problema ang aking paglipat doon dahil mga palakaibigan sila. Noong una, ang mga ka-close ko ay sina Daniel, RV at Gizelle. Ngunit dahil kailangan baguhin ang ayos ng upuan . nakatabi ko na noon si Carl. Naging malapit ko siyang kaibigan kahit magkaiba kami. Naging malapit din sa akin noon si Glenn. Sila lagi noon ang nangaasar sa akin. Pero masaya ako noon dahil sa kanila. Nakilala ko rin si Chinky noon. Kami ang palagin magkasama. Tuwing recess kami nagkakakwentuhan. Doon din ako unang nagkaroon ng crush. Kaklase ko rin siya noon. Masay ako dahil naging malapit din kaming magkaibigan. Kahit hindi niya alam, napapasaya niya ako sa tuwing nag-uusap kami. Naalala ko nung nagpainting kami. Ang laking tuwa ko noong sa akin siya tumabi nung malipat siya sa aming grupo. Kami ang laging magkausap noon. Nung naging grade 6 kami, hindi nawala iyon. Palagi pa rin kaming nag-uusap. Patuloy pa rin akong inaasar nina Carl at Glenn. At palagi ko pa rin silang napapalo kaya ay nakukurot kapag naiinis na ako. Pero, nadagdagan na rin ang malalapit kong kaibigan. Naging ka-close ko na rin sina Mary, Muriel at JR. nakakatuwa sila. Si JR ay napaka tahimik pero palabiro. Nakakatuwa siya ‘pag nagagalit. Napaka talino rin niya. Si Muriel naman ay tahimik din. Siya ang pinakamaganda sa aming lahat. Mabait siya at matalino. Si Mary naman ang source ng kaingyan. Ang lakas ng boses niya. Hindi ko makakalimutan kung paano siya umirit. Napkasaya nilang kasama. Pero, noong taong iyon ay lumipat na kami ng tirahan dito sa San Pablo. Araw-araw ay nagbibiyahe ako noon. Gumigising ako ng 4:30 ng umaga. Pero, kahit ganon, bawat grading ay mataas ang naging grade ko. Nang grumaduate ako, naging honor pa rin ako. Malungkot, per o hindi ko na masyadong makikita ang mga kaklase ko. Sa San Pablo na ako mag-aaral. Pagkatapos ng graduation ay nagswimming kami. Kahit maunti kaming sumama ay masaya pa rin. Naglaro kami sa swimming pool. Sinulit namin ang oras na magkakasama pa rin kami. Pagkatapos noon ay wala na akong naging contact sa kanila.
Bakasyon noon ng mapagpasyahan ng aking mama na pakuhanin ako ng exam sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala sa tawag na “Dizon High”. Marami kami noong mag eexam sa science section. Ngunit hindi pa nagsisimula ang exam ay marami na ang umuwi. Ito ay dahil sa mababa sa kilangan na grado ang nakalagay sa card nila. Nang ipapasa ko na ang aking papel, may narinig ako na sinabi ng proctor, si sir Sinen, na ang taas ng grado sa card nung nauna sa aking nagpasa ng papel. Ang tanda ko lang noon ay maliit siya. Tapos, makaraan ang ilang linggo, nalaman kong nakapasa ako sa pagsusulit. Sun na rin ako pumasok ng high school.
1st year high school class picture |
Sa unang araw ko, nakita ko yung may mataas na grade sa card. Ang pangalan niya ay Althea Roxas. Nakilala ko rin si Claire Cuaresma. Siy ang una kong nakilala. Nag-aayos kami noon ng room. Naglipat kami ng upuan mula sa MAPEH Building hanggang sa room namin. Nag-floor wax din kami. Nakilala ko na rin noon ang aking adviser, si Mrs. Shirley MontaƱa. At pagkatapos noon ay nag-uwian na kami. Kinabukasan, unang araw ng regular classes ay nagkasakit ako at umabsent pero pumasok na ako kinabukasan. Naalala ko na 34 kami noong una. Pero naging 33 na lang kami dahil lumipat sa A si Christine Joy. Pero may lumipat naman sa amin section, si Norlan Dazo, ang Math Wizard. Nabawasan din kami ng isa dahil tumigil na sa pagpasok si Joseph. Noong taon din na yon ay nakilala ko ang aking bestfriend ko, si Bernadette Batoy. Siya ang pinakmasayahin at pinakamakulit na nakilala ko. Masaya ako pag kasama ko siya. Marami kaming pingsamahang dalawa Nakilala ko rin si Jorgina. Noon din ay nanalo kami sa Ibong Adarna. Napakasaya noon. Para talaga kaming mga bata. Nagbabatuhan ng chalk noon ang boys tapos kaming mga babae ay nagtatago sa likod ng locker.
Pagdating ng second year, 33 na lang kami. Doon nabuo ang blue team, ang blue eagles. Kasama ko sina Marizthel Alcantara, Bernadette Batoy, Claire Cuaresma, Camille Chozas at Reginae de Castro. Lagi kami noong nagbibiruan. Lagi kaming nagtatawanan kapag may contest sa science. Napakasaya ng mga contest na iyon. Nabuo rin bago magtapos ang taon ang anime lovers. Naimpluwensyahan ko sila ng pagkahilig sa anime. Bata pa lang ako ay nahilig na ko doon at sa pagguhit.
js prom |
Nung third year kami ay maraming nangyari. Una, nabuo ang barkada ko, ang Girls Over Anime kasama sina Bernadette, Girlyn,Joy, at Krizelle. Pangalawa, nagkagulo ang room dahil sa away naming magkakaklase. Pangatlo, ang JS. Pangapat, ang unang away naming mag best friend. At ang huli, ang pagkakatanggal ng walo sa aking mga kaklase. Napakalungkot noon. Inakala namin na hanggang sa mag 4th year kami ay mananatili ang aming klase. ngunit, di naming inaasahan ang nangyari. Nagkaroon kami ng swimming dahil doon. Simula noon ay naging dalawampu’t lima na lang kami.
kami ngayong 4th year |
At syempre, ngayon, 4th year na ako. nagsimula ang taong ito ng masaya. Ngayon, bibihira na lang kaming mag-away. Marahil ito ay dahil sa alam naming ito na ang huling taong magkakasama kami. Isang malaking pagsubok sa amin ang thesis namin. Napakaraming sermon ang natanggap namin dahil dito. Pero, sa huli ay natapos namin ng maayos ang thesis namin. Ngayon din ako natutong mag gitara. Hindi ko malilimutan ang mini olympics. Nanalo kami ng second runner up sa cheerdance at second kami sa football. nag first din ako sa quiz bee. nag first din kami sa musical performance contest. Lahat, sa taong ito, naging kaibigan ko na. nawala na ang pader na humaharang sa amin noon. Masaya ako dahil makakaibigan na kaming lahat. marami akong natutunan sa kanila. Natuto ako kung paano talaga ang maging totoo sa sarili ko at ipahayag ang totoo kong nararamdaman. Naging matapang ako sa pagsabi ng totoo. Maraming oras na masasabing sinusulit ang oras. Wala kaming pakialam dahil talagang matagal pa kaming makukumpleto. Magkakahiwalay na kami. Pero alam namin na para iyon sa sarili naming kapakanan para magkaroon kami ng magandang buhay. Maghiwalay man kami ng landas ay hindi ko makakalimutan ang araw na sama-sama kami.
ako ngayong 4th year |
Sa ngayon ay 16 na taong gulang na ako. Marami pa akong maisusulat sa hinaharap. Pero sa ngayon, hanggang dito na muna.
No comments:
Post a Comment