Saturday, February 26, 2011

Ang Buhay ni "Maurice"




ako nung sanggol pa lamang


Sa unang taon ng pagsasama nina Edgar at Aida Averion, umaga ng ika-20 ng Nobyembre,taong 1994, pinagpala sila ng isang munting batang anghel. Ako ang batang ‘yon.
                
Ang pangalan ko ay Maurice Anne Castillo Averion. Kaunti lamang ang naaalala ko nung bata kaya’t nagtanong ako sa aking mga magulang. Sa nasabing araw na iyon, ipinanganak ako sa San Pablo Doctors Hospital sa tulong ni Dra. Bueser. May timbang ako na 7.2 kg. Higit ko daw kamukha ang aking ama lalo na daw ang aking mga mata at kulay ng balat.


ako at si mama
ako at si daddy
Nung sanggol pa lamang ako, tahimik daw ako, di tulad ng ibang bata. Minsan lamang daw ako umiyak at hindi makulit. Hindi daw gaanong nahirapan si mama noon.  Nahirapan lang si mama noon dahil sa malakas daw ako sa gatas.  At noon din ay nagsimula na akong daw akong mag “thumb sucking”. Marahil yun ang dahilan kung bakit lagi akong tahimik. Lagi ko daw ginagawa iyon. Hindi rin daw ako mahilig sa mga laruan. Hindi ako palahingi ng mga iyon. Kuntento na ako sa karga ng aking ina at ama. Napakabait nilang dalawa. Hindi ni;a ako pinabayaan noon at hanggang ngayon.

si Darwin noong sanggol pa lang
Pagkalipas ng isang taon at 23 araw mula nang ako ay pinanganak, biniyayaan ang aming pamilya ng isa pang gwapong anghel, si Darwin. Tuwang-tuwa ang aking ina dahil hindi daw ako nagselos sa aking kapatid. Karamihan daw kasi ng mga bata, ‘pag nagkaroon ng kapatid, ay nagagalit dito. Lagi ko pa raw nilalaro ang aking kapatid. Kapag kinakarga ni mama ang aking kapatid, wala lang sa akin iyon. Para daw talaga akong ate kahit na wala pa ko noong isip. At noon ay nakumpleto na ang pamilyang Castillo-Averion.


ako at ang kapatid ko sa isang kasalan
Lagi daw ako noong nababalis. dahil daw yun sa maraming gustong kumarga sa akin. Kahit ang mga pinsan ko. Lagi daw nila akong nilalaro. Lagi rin kaming nilalaro ng kapatid ko. Kung noong baby pa kami ay magkasundo kami, habang lumalaki ay lagi na kaming nag-aaway. Pero away-bata lang iyon. Nagkakapikunan lang kami. Pero kapag kailangan namin ang isa't-isa, lagi kaming nagdadamayan. Mahal ko yun kahit lagi niya akong inaasar.     



recognition nung grade 1
class picture ko nung grade 2

Sa pagtungtong ko ng tatlong taong gulang, pumasok na ako sa isang nursery school. Ang school na iyon ay tinatawag na “Our Little Friends”. Noon, nagkaroon ako ng mga kaibigan. Nahilig din ako sa mga bubbles. Yun lang ang nakahiiligan kong laruan noon. Natuto ako ng iba’t-ibang bagay tulad ng pagsulat, pagkulay at pagguhit. Masaya ako dun dahil maraming mga events na nagaganap, mga palaro at mga program. Pagdating ko ng Junior Kinder, pumasok naman ako sa Capitol View Christian School o CVCS. Ngunit, dahil sa pagiging strikta ng aking guro, natakot ako. Matinding trauma ang naranasan ko noon. Talagang umyak at sumigaw ako noon para lang tumigil na ako sa pagpasok doon. Dahil sa nakitang takot ng aking mga magulang ko, pinatigil na rin nila ako. Tumigil ako sa pag-aaral ng taong iyon. Sa sumunod na taon, naging senior kinder na ako. Lumipat ako sa St. Threse School.  Kahit na ako ay hindi nag-aral ng Junior Kinder, hindi pa rin iyon hadlang sa akin. Nang grumaduate ako ng Kinder, naging Valedictorian pa ako. Proud noon sa akin ang aking mga magulang. Doon na rin ako nag-aral hanggang grade 4. Isang hindi ako malilimutan noon ay ang kauna-unahang Mr. and Ms. St. Therese. Ako ang unang Ms. Photogenic ng eskwelahang iyon at ang kapatid ko naman ang unag nakakamit ng unang titulo ng pagiging Mr. St. Therese. Bawat taong ako’y nag-aral doon ay honor ako, 1st 2nd o 3rd. Ngunit ng pagtungtong ko sa ika-5 baitang ng elementarya, lumipat na ulit ako sa CVCS.







grade 5 class picture
elementary graduation

Noong una ay ayaw ko. Pero nang tumagal na, ayos na rin sa akin. Marami akong naging bagong kaibigan. Nung nagkwento ako na dun din ako pumadok nung Junior Kinder at ako yung batang laging naiyak sa klase ay naalala nila ako. Naging kaklase ko pala sila. Marahil ay hindi ko sila napapansin dahil lagi akong naiyak noon. Hindi naging problema ang aking paglipat doon dahil mga palakaibigan sila. Noong una, ang mga ka-close ko ay sina Daniel, RV at Gizelle. Ngunit dahil kailangan baguhin ang ayos  ng upuan . nakatabi ko na noon si Carl. Naging malapit ko siyang kaibigan kahit magkaiba kami. Naging malapit din sa akin noon si Glenn. Sila lagi noon ang nangaasar sa akin. Pero masaya ako noon dahil sa kanila. Nakilala ko rin si Chinky noon. Kami ang palagin magkasama.  Tuwing recess kami nagkakakwentuhan. Doon din ako unang nagkaroon ng crush. Kaklase ko rin siya noon. Masay ako dahil naging malapit din kaming magkaibigan. Kahit hindi niya alam, napapasaya niya ako sa tuwing nag-uusap kami. Naalala ko nung nagpainting kami. Ang laking tuwa ko noong sa akin siya tumabi nung malipat siya sa aming grupo. Kami ang laging magkausap noon. Nung naging grade 6 kami, hindi nawala iyon. Palagi pa rin kaming nag-uusap. Patuloy pa rin akong inaasar nina Carl at Glenn. At palagi ko pa rin silang napapalo  kaya ay nakukurot kapag naiinis na ako. Pero, nadagdagan na rin ang malalapit kong kaibigan. Naging ka-close ko na rin sina Mary, Muriel at JR. nakakatuwa sila. Si JR ay napaka tahimik pero palabiro. Nakakatuwa siya ‘pag nagagalit. Napaka talino rin niya. Si Muriel naman ay tahimik din. Siya ang pinakamaganda sa aming lahat. Mabait siya at matalino. Si Mary naman ang source ng kaingyan. Ang lakas ng boses niya. Hindi ko makakalimutan kung paano siya umirit. Napkasaya nilang kasama. Pero, noong taong iyon ay lumipat na kami ng tirahan dito sa San Pablo. Araw-araw ay nagbibiyahe ako noon. Gumigising ako ng 4:30 ng umaga. Pero, kahit ganon, bawat grading ay mataas ang naging grade ko. Nang grumaduate ako, naging honor pa rin ako. Malungkot, per o hindi ko na masyadong makikita ang mga kaklase ko. Sa San Pablo na ako mag-aaral. Pagkatapos ng graduation ay nagswimming kami. Kahit maunti kaming sumama ay masaya pa rin. Naglaro kami sa swimming pool. Sinulit namin ang oras na magkakasama pa rin kami. Pagkatapos noon ay wala na akong naging contact sa kanila.

Bakasyon noon ng mapagpasyahan ng aking mama na pakuhanin ako ng exam sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala sa tawag na “Dizon High”.  Marami kami noong mag eexam sa science section. Ngunit hindi pa nagsisimula ang exam ay marami na ang umuwi. Ito ay dahil sa mababa sa kilangan na grado ang nakalagay sa card nila. Nang ipapasa ko na ang aking papel, may narinig ako na sinabi ng proctor, si sir Sinen, na ang taas ng grado sa card nung nauna sa aking nagpasa ng papel. Ang tanda ko lang noon ay maliit siya. Tapos, makaraan ang ilang linggo, nalaman kong nakapasa ako sa pagsusulit. Sun na rin ako pumasok ng high school.
               
1st year high school class picture
Sa unang araw ko, nakita ko yung may mataas na grade sa card. Ang pangalan niya ay Althea Roxas. Nakilala ko rin si Claire Cuaresma. Siy ang una kong nakilala. Nag-aayos kami noon ng room. Naglipat kami ng upuan mula sa MAPEH Building hanggang sa room namin. Nag-floor wax din kami. Nakilala ko na rin noon ang aking adviser, si Mrs. Shirley Montaña.  At pagkatapos noon ay nag-uwian na kami. Kinabukasan, unang araw ng regular classes ay nagkasakit ako at umabsent pero pumasok  na ako kinabukasan. Naalala ko na 34 kami noong una. Pero naging 33 na lang kami dahil lumipat sa A si Christine Joy. Pero may lumipat naman sa amin section, si Norlan Dazo, ang Math Wizard. Nabawasan din kami ng isa dahil tumigil na sa pagpasok si Joseph.  Noong taon din na yon ay nakilala ko ang aking bestfriend ko, si Bernadette Batoy. Siya ang pinakmasayahin at pinakamakulit na nakilala ko. Masaya ako pag kasama ko siya. Marami kaming pingsamahang dalawa Nakilala ko rin si Jorgina. Noon din ay nanalo kami sa Ibong Adarna. Napakasaya noon. Para talaga kaming mga bata. Nagbabatuhan ng chalk noon ang boys tapos kaming mga babae ay nagtatago sa likod ng locker.

Pagdating ng second year, 33 na lang kami. Doon nabuo ang blue team, ang blue eagles. Kasama ko sina Marizthel Alcantara, Bernadette Batoy, Claire Cuaresma, Camille Chozas at Reginae de Castro. Lagi kami noong nagbibiruan. Lagi kaming nagtatawanan kapag may contest sa science. Napakasaya ng mga contest na iyon. Nabuo rin bago magtapos ang taon ang anime lovers. Naimpluwensyahan ko sila ng pagkahilig sa anime. Bata pa lang ako ay nahilig na ko doon at sa pagguhit. 

js prom
Nung third year kami ay maraming nangyari. Una, nabuo ang barkada ko, ang Girls Over Anime kasama sina Bernadette, Girlyn,Joy, at Krizelle. Pangalawa, nagkagulo ang room dahil sa away naming magkakaklase. Pangatlo, ang JS. Pangapat, ang unang away naming mag best friend. At ang huli, ang pagkakatanggal ng walo sa aking mga kaklase. Napakalungkot noon. Inakala namin na hanggang sa mag 4th year kami ay mananatili ang aming klase. ngunit, di naming inaasahan ang nangyari. Nagkaroon kami ng swimming dahil doon. Simula noon ay naging dalawampu’t lima na lang kami.

kami ngayong 4th year
At syempre, ngayon, 4th year na ako. nagsimula ang taong ito ng masaya. Ngayon, bibihira na lang kaming mag-away. Marahil ito ay dahil sa alam naming ito na ang huling taong magkakasama kami. Isang malaking pagsubok sa amin ang thesis namin. Napakaraming sermon ang natanggap namin dahil dito. Pero, sa huli ay natapos namin ng maayos ang thesis namin. Ngayon din ako natutong mag gitara. Hindi ko malilimutan ang mini olympics. Nanalo kami ng second runner up sa cheerdance at second kami sa football. nag first din ako sa quiz bee. nag first din kami sa musical performance contest. Lahat, sa taong ito, naging kaibigan ko na. nawala na ang pader na humaharang sa amin noon. Masaya ako dahil makakaibigan na kaming lahat. marami akong natutunan sa kanila. Natuto ako kung paano talaga ang maging totoo sa sarili ko at ipahayag ang totoo kong nararamdaman. Naging matapang ako sa pagsabi ng totoo. Maraming oras na masasabing sinusulit ang oras. Wala kaming pakialam dahil talagang matagal pa kaming makukumpleto. Magkakahiwalay na kami. Pero alam namin na para iyon sa sarili naming kapakanan para magkaroon kami ng magandang buhay. Maghiwalay man kami ng landas ay hindi ko makakalimutan ang araw na sama-sama kami. 

ako ngayong 4th year
Sa ngayon ay 16 na taong gulang na ako. Marami pa akong maisusulat sa hinaharap. Pero sa ngayon, hanggang dito na muna.  

Tuesday, February 15, 2011

From Video Game to Science to Blogging

photo courtesy of photobucket.com
I am a fan of video games. I love to play them. My personal favorites are Chrno Crusade, Final Fantasy Series and Crash Bandicoot. But my most favorite is a game called, "Legend of Legaia". All thanks to the creator of this game.

image courtesy of xtream-ff.com
This game is a role playing game or RPG wherein you will play three characters, Van, Noa and Gala. In this game, the world was invaded by the Mist and monsters called Serus.They are people who were forced to turn into monsters. Ra Serus are possessed by the three main characters, Van, Noa and Gala. Ra Serus are those who have their own minds and conscience. They all have their own special attributes. Van has the fire, Noa has nature and Gala has the lightning attribute. All of them embark on a journey together to drive away the mist and defeat Serus. As the game progress, they discover new people and new kind of abilities that would help them in completing their journey. All of them have the abilities and moves in relation to their attribute. they also have the ability to summon Serus they've already encountered like . Noa has this move called Mirage Lancer. I was enticed by the sound so I used it in my online accounts and as my codename. i researched whiat it means and i found this.
photo courtesy of s75.flogao.com

Mirage is an optical phenomenon in which remote objects are seen inverted as if mirrored in water or suspended in midair.  French, from mirer, to look at, from Latin mrr, to wonder at, from mrus, wonderful; see smei- in Indo-European roots. It is sort of related to science so it is interesting. It's not just you got it from somwhere. So from then on, I used it even here in m y blog account.

Monday, February 14, 2011

I Am a Responsible Netizen

image courtesy of justreveal.files.wordpress.com
Netizen is a short term for "net citizen". In this new generation, many people are considered netizens. But, as netizens, how can we protect our community and be responsible enough in our every action on the net?

From social networking sites lice facebook, friendster and twitter up to blogging sites like blogger.com, many of us use the internet world. This sites are means of expressing our thoughts and emotions.This can also be a sort of a hobby or an activity for fun for many. Many things happen on the net. many violate the net. they post illegal things. Many lives are ruined. For example, pornography. They ruin the dignity of those people posted with no any peace of clothing on. Children are also a victim of these. Many minds are contaminated because of this. People may commit crimes in relation to what they see on the computer. They are curious of this and tries to do it themselves. 

photo courtesy of theroadsinger.com
The internet has also produced a gaming world for many people. They have this Role Playing Games. It is a past time for many people especially yong people.There are also chat rooms where people can socialize with other people. But many still violates internet rules through this. How can we stop this? Be responsible and don't imitate those who do nonsense things. Be careful on your every actions. Advocate against internet crimes and be a role model for other people.

Clash of the Titans

image courtesy of fanpop.com
Ang pelikula ay nagsisimula sa kuwento ng Titans. Natalo na ang mga Titans ng mga sarili nilang mga anak na si Zeus ( Liam Neeson ), Poseidon ( Danny Huston ), at si Hades ( Ralph Fiennes ).Kinumbinse ni Zeus ang kanyang kapatid na si Hades na gumawa ng isang nakakatakot na halimaw, ang Kraken(nagmula sa laman ni Hades). Si Zeus ang namuno sa langit, Poseidon bilang hari ng mga karagatan, at Hades (na nilinlang ni Zeus) ang namuno sa ilalim na mundo. Si Zeus ang lumikha sa sangkatauhan, at sa panahon. Ang sangkatauhan ay nagsimula ng magtanong sa mga dios.
Pagkalipas ng isang libong taon , may isang mangingisda na nagngangalang Spyros ( Pete Postlethwaite ) na nahahanap ang isang kabaong sa dagat. Ang isang sanggol at ang kanyang ina na patay na si Danaë ( tulis Stapelfeldt ) ay nasa loob nito. Kinupkop ni Spyros magpatibay ang bata (na kaniyang pinangalanang Perseus) at sinanay at pinalaking isang mabait na tao. Pagkalipas ng maraming taon, ang binatang si Perseus ( Sam Worthington ) ay nakasakay ng isang maliit na bangka pangingisda kasama ang kanyang pamilya.  Sila ay naging saksi ng isang grupo ng mga sundalo mula sa Argos  sa pagsira ng isang napakalaking rebulto ni Zeus, bilang isang deklarasyon ng digmaan laban sa mga dios. Si Hades ay lumitaw sa anyo ng isang kawan ng mga harpies at pinatay ang mga kawal. Pagkatapos si Hades ay nakamit ang tagumpay, Sinira niya ang bangka sa pangingisda pati na rin ang nalulunod na pamilya ni Perseus.
perseus' photo courtesy of aceshowbiz.com
 
Si Perseus ay natagpuan sa pamamagitan ng mga sundalo, mga sundalo ng Argos. Siya ay dinala sa harap ni King Cepheus ( Vincent Regan ) at Reyna Cassiopeia ( Polly Walker ), sa panahon ng kanilang pagdiriwang ng digmaan sa mga dios. Sina Cepheus at Cassiopeia ay walang mga pakialam sa mga buhay na nawala sa mga bagong ipinahayag na digmaan. Ang Hari ay gumawa ng mga mayabang pahayag sa kawalang-galang sa mga dios, at ang Reyna ay pinagkukumpara ang kanilang anak na babae Andromeda ( Alexa Davalos ) sa diyosa na si Aphrodite ( Agyness Deyn ), dahilan kung bakit nangamba ang mga babaeng ito.
 
Si Zeus ay lubhang nagalit, na nagbigay kay Hades ng pagkakataon upang lumitaw sa harap ng kaniyang kapatid sa bundok ng Olympus.Nakipagtalo si Hades na ang m ga dios ay dapat kumilos sa paghihiganti laban sa mga pag-aalsa, at humingi ng pahintulot kay Zeus na siya ay na pinapayagan na sirain Argos. Si  Hades ay lumitaw sa gitna ng isang kwarto, at pinatay ang mga natitirang mga sundalo at pinatanda si Cassiopeia hanggang sa bingit ng kamatayan. Si Hades nagbabanta na kung si Prinsesa Andromeda ay hindi inialay ng kusa sa loob ng sampung araw, ang Argos ay pupuksain sa pamamagitan ng Kraken.  Sa  kanyang pag-alis , ipinakilala si Perseus bilang isang kalahating diyos . Si Hermes ( Alexander Siddig ), ang mensahero ng mga  Dios, ay sinabi kay Zeus na ang kaniyang anak na si Perseus ay buhay at nasa Argos.Si Zeus ay tumatangging protektahan ang kanyang anak upang siya ay matututo sa mga ito.
 
Ang Hari ay ipinakulong si Perseus, dahil hindi siya lumaban sa Argos laban sa mga dios. Si Io ( Gemma Arterton ) ay nagpakita sa harap ni Perseus at nagsalita tungkol sa kanyang tunay na pamilya. Upang parusahan King Acrisius ( Jason Flemyng ) at para sa kanyang sariling digmaan sa mga dios, nagpanggap si Zeus bilang isang tao na nagngangalang Acrisius at hinikayat si Danaë, na dahilan kung bakit siya nabuntis. Nang itinapon ni Acrisius si Danaë at ang sanggol ,natangay ng agos ang kanilang mga kabaong. Isang galit na galit na Zeus ang gumulat kay Acrisius bilang isang kidlat .. Siya din ang nagsabi kay Perseus na siya ay  hindi natanda bilang parusa para sa kanya ng diyos na si Poseidon ( Danny Huston ). Pagkatapos ng matuklasan na ang pagpatay sa Kraken ay magpapahintulot sa kanya upang magkaroon ng kanyang paghihiganti laban sa diyos na si  Hades (ang kanyang sinisisisi pagkamatay ng pamilya), si Perseus ay sumang-ayon na maging isang sundalo ng Argos sa isang paglalakbay upang mahanap ang Stygian Witches .  Sila ay sinamahan ng isang pares ng mga mangangaso ng halimaw na nagngangalang Ozal ( Ashraf Barhom ) at Kucuk ( Mouloud Achour ). Si Io ay sumusunod na rin.

Nakita ni Hades si Acrisius (tinatawag na ngayong Calibos) at nagpakita ng kaniyang plano upang gamitin ang Kraken sa paglaglag sa Argos. Binigyan ni  Hades si  Calibos ng may mahigit sa tao na kapangyarihan upang patayin Perseus.
 
Habang nasa gubat, natuklasan ni Perseus ang isang tabak na imitasyon sa Olympus, pati na rin ang sagradong ganado ni Zeus, ang Pegasus .Si Perseus ay tumangging kuhanin ang tabak, na siya lamang ang maaring gumamit, at Pegasus, na handog ng diyos bilang tulong, dahil si Perseus ay hindi nais na maging isang diyos.Si Calibos ay inatake ang grupo at pinatay halos lahat ng mga praytoryan guards at sumusubok na patayin si Perseus , ngunit ay sapilitang upang tumakas matapos putulin ni Draco ang kanyang kamay. Gayunman, ang dugo ni Calibos ay lumikha ng isang higanteng alakdan sa labas ng buhangin, na inatake si Perseus at pinatay ang lahat ng mga guwardiya, maliban kay na Draco ( Mads Mikkelsen ), Solon ( Liam Cunningham ), Eusebios ( Nicholas Hoult ) at Ixas ( Hans Matheson ).
   
Ang mga nakaligtas ay nakaligtas sa pamamagitan ng Djinn , isang pulutong ng mga dating taong shamans na , sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanilang mga "sugat sa labanan na may ashwood at black magic." Kahit na hindi sila tiwala ang Djinn sa unang hanggang sa ang kanilang lider Sheikh Suleiman ( Ian Whyte ) nagamot ang sugat ni Perseus. Nang si Solon at Draco ay makita si Suleiman sa paggamot kay Perseus, sa tingin nila ay ito ay paglusob sa kanya. Natalo ni Suleiman ang lahat ng mga mandirigma at sabi na ang tanging paraan upang makatulong kay  Perseus ay sa pamamagitan ng mga ito.  Ang Djinn ay Sinamahan si Perseus at ang grupo. Sa huli ay nailigtas si Andromeda at muling naibalik si Hades sa ilalim na mundo.

Cast

nilalang

  • Stygian Witches - Tatlong kababaihan na may kulay-abo na balat at isa lamang sa mata nilang ibahagi ang gitna ng mga ito.  Sila ay may isang lasa para sa tao laman, gaya ng kanilang mga "demands pagbabayad kaalaman".
  • Scorpiochs - ipinanganak mula sa dugo ng Acrisius 
  • Gorgon - ang Gorgon ay lilitaw sa pelikula bilang isang higante, kalahating ahas , kalahating tao, Siya ay pinugutan ng ulo sa pamamagitan niPerseus, 
  • Djinn - espiritung nakatira sa disyerto na may mahiwagang kapangyarihan.
  • Kraken - isang malaking halimaw dagat na pinabagsak ng Titans at naging bato
  • Harpies - mga demonyo na dumating mula sa katawan ng Hades .
  • Pegasus - Ang may pakpak na kabayo ni Perseus 

Magkalaban,Pamilya

Sa paglipas ng tatlong dekada, naging tanyag ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala bilang Dizon High sa buong bansa. ang dekalidad na edukasyon nito'y halos mapantayan na ang mga tanayag na paaralan saa buong bansa. at ang pinakamataas na sekyon dito ay ang Science.
Sa paaralang ito, bawat antas ay may pinakamataas na seksyon: I science, II Science, II Science at IV Science. Dito nabibilang ang pinakamatatalinong estudyantesa buong paaralan. dito sila hinuhubog upang maging pinakamagagaling. Inilalaban sila sa iba't-ibang kumpetisyon kahit na sa larangan ng sports at sining tulad sa Division Meet Sports Events. 
Samantala, hindi namamalayan ng iba, may nagaganap na sa IV Science. Nagkaroon ng malaking gulo sa kanilang klase. nahati sa tatlong  grupo ang buong klase. Nagkaron sila ng matinding pagtatalo tungkol sa isang contest. Dito nagsimula ang lahat.

Guro: Ang napiling lumaban sa inyo sa National Scholastic Decathlon ay si....
photo courtesy of imageshack.us
Alice: Ako po ba Ma'am?
Guro: Hindi ikaw Alice.
Alice: Ano po?! Bakit hindi po ako?! Ako ang pinakamatalino dito!
Ashley: Bakit? Akala mo ikaw? Hindi lang ikaw ang matalino dito. Ang yabang mo naman!Alice, hindi lang ikaw ang matalino!
Alice: Pero ako ang pianaka! Kaya mo lang yan nasasabi ay dsahil naiinggit ka sa akin!
Ashley: Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Alam naman ng lahat na ako ang mas matalino. 
Alice: Anong sinabi mo?!

Nang sasaktan na ni Alice si Ashley, pinigilan siya ng kaibigan niyang si Jack. 

Jack: Huminahon ka lang. Lalo kang hindi mapipili niyan.
Alice: Bahala ka!
Guro: Tama na yan! wala muna akong pipiliin sa inyo para walang away. Mag-uusap muna kami ng principal at ng iba pang guro ukol dito.

Nang umalis na ang guro, nagpatuloy ang bangayan ng klase. Dahil dito, tuluyan ng nahati ang klase, isang pabor kay Alice, isang pabor kay Ashley at isang grupong walang kinampihan. Ito ang dating barkada ni Alice nung siya ay nasa unang antas pa lamang. Sila ay sina Robert, Kristen, Nikki, Peter at Jake.
Sila rin ay kasama sa pinakamatatalino sa klase. ngunit sa di malamang dahilan, wala silang kinampihan, kahit si Alice.

image courtesy of photobucket.com
Alice: Bakit? Bakit ayaw ninyong kumampi sa akin? 
Robert: Pag-isipan mo Alice. Bakit ayaw naming kumampi sa iyo, isa man sa inyong dalawa ni Asshley.
Alice: Ano ba ang ibig mong sabihin?
Jake: Hindi kami ang dapat sumagot niyan. Dapat ikaw ang sumagot niyan sa sarili mo. 
Alice: Mga taksil kayo!

Hindi na sumagot sina Robert. Umalis na lamang sila. Dumating ang guro nila sa Values.
Guro: Magandang araw.
Lahat: Magandang araw din po.
Guro: Ngayon ay may announcement ako ngayon. Dahil sa inyong di pagkakaunawaan, wala ng lalaban sa National Scholastic Decathlon individual competetion. 
Ashley: Bakit po?
Guro: Napagpasyahan naming ilaban ang buong klase sa group competetion. pero bago yon, isasabak muna namin kayo sa isang retreat.
Alice: Bakit po retreat? Hindi ba't dapat mag-training na kami.
Guro: Ang susi sa inyong pagkapanalo ay ang pagkakaisa. Sa ngayon, wala na kayo nun. Siguradong matatalo na kayo. Sa darating na weekend ay pupunta na kayo sa Rizal.

Lumipas ang oras at pagkatapos nito ay nagtalo na naman sina Ashley at Alice.
Alice: Kasalanan ninyo ito! Ngayon, wala ng lalaban sa atin.
Ashley: Bingi ka ba?  Lalaban tayo sa group competetion.
Alice: Iba iyon!Ayoko kayang makasama ka. 
Ashley: Mas lalo naman ako!

Nagkaroon ng siagawan at sagutan sa klase. Buti na lamang at tumunog na ang bell. Kinailangan na nilang umuwi. Kinabukasan, magsisimula na ang kanilang retreat.

Pagkarating nila, nagbunutan na kung sino ang magkakasama sa kwarto. Nagkataong magkasama sina Ashley at Alice sa isang kwarto kasama na ang dati niyang barkada. 

Alice: Ma'am, hindi po ba pwedeng lumipat ako ng kwarto.
Guro: Hindi pwede Alice.

Wala ng magawa si Alice. Kailangan niysng makisama sa mortal niyang kaaway at ang mga taksil niyang kaibigan.

Alice: Nakakainis!
Ashley: Matuto kang makisama!
Jake: Tumigil na kayuong dalawa!
Peter: Mag ayos na kayo at magsisimujla na ang activity natin.

Sa court, nag-iipon-ipon na ang lahat. Bawat isa ay binigyan ng arm band. Magsisilbi itong identification sign.

Guro: Ngayon, magkakaroon tayo ng group activity.Lahat kayo ay magkakateam.
Nikki: Tamang-tama ito
Jake: Pagkakataon na.
Kristen: Tama kayo.
Guro: Kailangan ninyong bumuo ng isang dampa. Kailangan ninyo itong mabuo hanggang 5:00 mamayang hapon. Bahala na kayong maghanap ng inyong materyales. Ito ang mga gamit. Kapag hindi ninyo ito natapos ay wala kayong tututlugan.

Nagsimula ng kumilos ang lahat. nguniot may problema. Nagkanya-kanya sila kaya't hindi nila matapos ang gawain nila.
Alice: Ano ba yan?! Bakit hindi tayo makapagsimula?
Ashley: Huwag ka ng dumaldal at gumawa ka na lang dyan.

Sa inis ni Alice, pumunta siya sa gubat. Si Ashley lamang ang nakakaalam nito. Pagkalipas ng ilang oras, hindi pa rin bumabalik si Alice. Nagsimula ng mag-alala si Ashley. Humingi na siya ng tulong sa mga kaklase.Nagdalawang isip ang ilan ngunit sumunod na rin sila. Pumasok sila ng gubat nang magkakasama.

photo courtesy of jootix.com
Alice: Tulungan ninyo ako!
Jake: Nanggaling iyon sa bangin.
Kristen: Bakit siya nandoon?
Ashley: Kailangan natin siyang tulungan.

Nagtaka ang lahat kay Ashley. Humanap sila ng lubid. Itinali nila ang lubid kay Jake. Ang lahat ay hihila sa kabilang dulo ng lubid.Napangiti si Robert dito. Hindi mawari ni Alice kung bakit. Bumaba na si Jake. Sumigaw si Jake at hinila na silang dalawa pataas. Nang makaahon ang dalawa, punong-puno ng sugat si Alice.

Alice: Paano ninyo nalamang andito ako?
Nikki: Si Ashley. Siya ang nagsabi sa amin. Alalang- alala siya sa'yo.
Alice: Si Ashley?
Kristen: Oo. Di mo lang alam kung paano nag-alala si Ashley. 
Alice: Ashley.
Ashley: Okay ka lang ba?
Alice: Habang nasa bangin ako, naalala ko ang unang taon natin sa high school. Lahat tayo ay magkakaibigan. Masaya tayong lahat. Kahit may kumpetisyon, masaya tayong lahat. Nalaman ko kung anong nawala sa atin. Nawala sa atin ang pagkakaisa. Hindi natin namalayan ang nawala sa atin
Robert: Iyan ang gusto naming ibalik kaya wala kaming kinampihan. Tama na nga yan. Kailangan ka ng madala sa ospital.

Pagkalabas ni Alice sa ospital ay lumaban na sila at nanalo. Simula noon, nanumbalik ang samahan nila. Muli silang naging isang pamilya.