Monday, February 14, 2011

Magkalaban,Pamilya

Sa paglipas ng tatlong dekada, naging tanyag ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala bilang Dizon High sa buong bansa. ang dekalidad na edukasyon nito'y halos mapantayan na ang mga tanayag na paaralan saa buong bansa. at ang pinakamataas na sekyon dito ay ang Science.
Sa paaralang ito, bawat antas ay may pinakamataas na seksyon: I science, II Science, II Science at IV Science. Dito nabibilang ang pinakamatatalinong estudyantesa buong paaralan. dito sila hinuhubog upang maging pinakamagagaling. Inilalaban sila sa iba't-ibang kumpetisyon kahit na sa larangan ng sports at sining tulad sa Division Meet Sports Events. 
Samantala, hindi namamalayan ng iba, may nagaganap na sa IV Science. Nagkaroon ng malaking gulo sa kanilang klase. nahati sa tatlong  grupo ang buong klase. Nagkaron sila ng matinding pagtatalo tungkol sa isang contest. Dito nagsimula ang lahat.

Guro: Ang napiling lumaban sa inyo sa National Scholastic Decathlon ay si....
photo courtesy of imageshack.us
Alice: Ako po ba Ma'am?
Guro: Hindi ikaw Alice.
Alice: Ano po?! Bakit hindi po ako?! Ako ang pinakamatalino dito!
Ashley: Bakit? Akala mo ikaw? Hindi lang ikaw ang matalino dito. Ang yabang mo naman!Alice, hindi lang ikaw ang matalino!
Alice: Pero ako ang pianaka! Kaya mo lang yan nasasabi ay dsahil naiinggit ka sa akin!
Ashley: Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Alam naman ng lahat na ako ang mas matalino. 
Alice: Anong sinabi mo?!

Nang sasaktan na ni Alice si Ashley, pinigilan siya ng kaibigan niyang si Jack. 

Jack: Huminahon ka lang. Lalo kang hindi mapipili niyan.
Alice: Bahala ka!
Guro: Tama na yan! wala muna akong pipiliin sa inyo para walang away. Mag-uusap muna kami ng principal at ng iba pang guro ukol dito.

Nang umalis na ang guro, nagpatuloy ang bangayan ng klase. Dahil dito, tuluyan ng nahati ang klase, isang pabor kay Alice, isang pabor kay Ashley at isang grupong walang kinampihan. Ito ang dating barkada ni Alice nung siya ay nasa unang antas pa lamang. Sila ay sina Robert, Kristen, Nikki, Peter at Jake.
Sila rin ay kasama sa pinakamatatalino sa klase. ngunit sa di malamang dahilan, wala silang kinampihan, kahit si Alice.

image courtesy of photobucket.com
Alice: Bakit? Bakit ayaw ninyong kumampi sa akin? 
Robert: Pag-isipan mo Alice. Bakit ayaw naming kumampi sa iyo, isa man sa inyong dalawa ni Asshley.
Alice: Ano ba ang ibig mong sabihin?
Jake: Hindi kami ang dapat sumagot niyan. Dapat ikaw ang sumagot niyan sa sarili mo. 
Alice: Mga taksil kayo!

Hindi na sumagot sina Robert. Umalis na lamang sila. Dumating ang guro nila sa Values.
Guro: Magandang araw.
Lahat: Magandang araw din po.
Guro: Ngayon ay may announcement ako ngayon. Dahil sa inyong di pagkakaunawaan, wala ng lalaban sa National Scholastic Decathlon individual competetion. 
Ashley: Bakit po?
Guro: Napagpasyahan naming ilaban ang buong klase sa group competetion. pero bago yon, isasabak muna namin kayo sa isang retreat.
Alice: Bakit po retreat? Hindi ba't dapat mag-training na kami.
Guro: Ang susi sa inyong pagkapanalo ay ang pagkakaisa. Sa ngayon, wala na kayo nun. Siguradong matatalo na kayo. Sa darating na weekend ay pupunta na kayo sa Rizal.

Lumipas ang oras at pagkatapos nito ay nagtalo na naman sina Ashley at Alice.
Alice: Kasalanan ninyo ito! Ngayon, wala ng lalaban sa atin.
Ashley: Bingi ka ba?  Lalaban tayo sa group competetion.
Alice: Iba iyon!Ayoko kayang makasama ka. 
Ashley: Mas lalo naman ako!

Nagkaroon ng siagawan at sagutan sa klase. Buti na lamang at tumunog na ang bell. Kinailangan na nilang umuwi. Kinabukasan, magsisimula na ang kanilang retreat.

Pagkarating nila, nagbunutan na kung sino ang magkakasama sa kwarto. Nagkataong magkasama sina Ashley at Alice sa isang kwarto kasama na ang dati niyang barkada. 

Alice: Ma'am, hindi po ba pwedeng lumipat ako ng kwarto.
Guro: Hindi pwede Alice.

Wala ng magawa si Alice. Kailangan niysng makisama sa mortal niyang kaaway at ang mga taksil niyang kaibigan.

Alice: Nakakainis!
Ashley: Matuto kang makisama!
Jake: Tumigil na kayuong dalawa!
Peter: Mag ayos na kayo at magsisimujla na ang activity natin.

Sa court, nag-iipon-ipon na ang lahat. Bawat isa ay binigyan ng arm band. Magsisilbi itong identification sign.

Guro: Ngayon, magkakaroon tayo ng group activity.Lahat kayo ay magkakateam.
Nikki: Tamang-tama ito
Jake: Pagkakataon na.
Kristen: Tama kayo.
Guro: Kailangan ninyong bumuo ng isang dampa. Kailangan ninyo itong mabuo hanggang 5:00 mamayang hapon. Bahala na kayong maghanap ng inyong materyales. Ito ang mga gamit. Kapag hindi ninyo ito natapos ay wala kayong tututlugan.

Nagsimula ng kumilos ang lahat. nguniot may problema. Nagkanya-kanya sila kaya't hindi nila matapos ang gawain nila.
Alice: Ano ba yan?! Bakit hindi tayo makapagsimula?
Ashley: Huwag ka ng dumaldal at gumawa ka na lang dyan.

Sa inis ni Alice, pumunta siya sa gubat. Si Ashley lamang ang nakakaalam nito. Pagkalipas ng ilang oras, hindi pa rin bumabalik si Alice. Nagsimula ng mag-alala si Ashley. Humingi na siya ng tulong sa mga kaklase.Nagdalawang isip ang ilan ngunit sumunod na rin sila. Pumasok sila ng gubat nang magkakasama.

photo courtesy of jootix.com
Alice: Tulungan ninyo ako!
Jake: Nanggaling iyon sa bangin.
Kristen: Bakit siya nandoon?
Ashley: Kailangan natin siyang tulungan.

Nagtaka ang lahat kay Ashley. Humanap sila ng lubid. Itinali nila ang lubid kay Jake. Ang lahat ay hihila sa kabilang dulo ng lubid.Napangiti si Robert dito. Hindi mawari ni Alice kung bakit. Bumaba na si Jake. Sumigaw si Jake at hinila na silang dalawa pataas. Nang makaahon ang dalawa, punong-puno ng sugat si Alice.

Alice: Paano ninyo nalamang andito ako?
Nikki: Si Ashley. Siya ang nagsabi sa amin. Alalang- alala siya sa'yo.
Alice: Si Ashley?
Kristen: Oo. Di mo lang alam kung paano nag-alala si Ashley. 
Alice: Ashley.
Ashley: Okay ka lang ba?
Alice: Habang nasa bangin ako, naalala ko ang unang taon natin sa high school. Lahat tayo ay magkakaibigan. Masaya tayong lahat. Kahit may kumpetisyon, masaya tayong lahat. Nalaman ko kung anong nawala sa atin. Nawala sa atin ang pagkakaisa. Hindi natin namalayan ang nawala sa atin
Robert: Iyan ang gusto naming ibalik kaya wala kaming kinampihan. Tama na nga yan. Kailangan ka ng madala sa ospital.

Pagkalabas ni Alice sa ospital ay lumaban na sila at nanalo. Simula noon, nanumbalik ang samahan nila. Muli silang naging isang pamilya.

No comments:

Post a Comment